Blog Ni MariaAngelikaIwag
Bituin na may Ningning
Linggo, Enero 10, 2016
PEPENG PINAKAMALUPIT
Kilala siya ng karamihan ngunit bilang lang ang nakakaalam ng dahilan bakit siya tinaguriang "pinakamalupit" Sinugo niya lang naman ang kanyang buhay para sa bayan. Ginamit niya ang kanyang talento sa pagsulat upang tayo ay lumaya sa mga bansang nais tayong sakupin. Kaya sa araw ng kanyang kamatayan marami ang nagpupugay sa taglay niyang kadakilaan at katapangan.
Lunes, Disyembre 28, 2015
Bakasyon na be!
Kain. Tulog. Kain. Tulog.
Paulit ulit-ulit ko lang ginawa yan ngayong bakasyon, sadyang ninamnam ko ang bawat araw na walang takdang aralin, o ano pang gawain sa paaralan. Dahil alam ko na sa isang iglap parang pagibig niya ito ay matatapos rin.
At kung tatanungin mo ako kung masaya ba? Abay OO naman, sinong di sasaya sa paggising ng tanghali imbes na umaga, magpuyat hanggang mag umaga at kumain kung kailan gusto. Walang istorbo, at walang aalalahanin.
Yan ang ginawa ko nung buong bakasyon be.
Christmas wish lists!
Tanging hiling ko sa pasko sana ay magmahalan tayo! Kase sa panahon ngayon yun ang kulang sa ating mga pilipino. Hindi pera, damit, alahas o kahit ano pang materyal na bagay, tanging pagmamahalan lang. Dahil yun ang lulutas sa kapahamakan.
Linggo, Nobyembre 15, 2015
Kung ako sayo.. (Parabula ng Banga)
Kung ako sayo, mas magiging matino nako! Iba na ang buhay ngayon. Masyado nang malapit ang tukso sa bawat isa sa atin. Maaaring pagkagising mo, buntis kana! Nakakatawa isipin pero totoo.
Sa aking palagay ayon sa Parabula ng banga, gusto nitong iparating sa ating mga kabataan na maging malakas, huwag magpadala sa puso, dahil paminsan ito rin ang dahilan kung bakit tayo masasaktan! UTAK pare, UTAK! Huwag tayong makikisalamuha sa alam nating sasaktan lang tayo sa huli, iiwan, nanakawan!
Pero sa aking palagay, wala naman yan sa mga kaibigan, nasa ating mga sarili parin kung paano tayo kikilos at mapro-protektahan.
Biyernes, Oktubre 2, 2015
HO! HO! HO! ber.. ber.. ber..
Pasko na!! Pero bakit parang diko nadarama? Bilang estudyante hindi ko nararamdaman na malapit na naman ang pasko dahil sa sunod sunod na gawain tila byernes santo nga e. Pero nandun din naman yung kaunting kasiyahan dahil kapag pasko, walang pasok ng mahaba habang panahon. Panahon kung saan pwede magpahinga sa mga gawain sa eskwelahan, yung walang poproblemahing gawain kinabukasan yung gigising ka sa tanghalian. yun ang mga inaabangan ko sa kapaskuhan.
Saysay ng Sanaysay
Sanaysay - Salita. Komposisyon na kalimitang naglalaman ng kuro-kuro ng may akda.
Importante ang paggawa nito dahil sa pagsulat ng sanaysay naipapahayag natin ang ating sariling opinyon, kuro-kuro, at damdamin sa isang partikular na paksa. Nakatutulong din ito sa mga taong mahilig magpahayag ng damdamin sa pamamagitan ng pagsusulat. Sa paggawa ng sanaysay gumagaan ang kanilang nararamdaman at mas nagiging maayos.
Dahil sa mga simpleng sanaysay na tumatalakay sa mga isyung panlipunan, nagkakaroon din ng kaalaman ang mga kataas-taasan tungkol dito, kaya malaki ang naitutulong nito.
Pero dapat na maging maingat din tayo sa pag sulat nito dahil hindi lahat ng tao ay pareho natin ng paraan ng pagiisip.
Girl Power!
Kung merong pelikula na magta-taas ng antas ng pananaw natin sa kababaihan yun ay ang Charlie's Angels. Dito ipinakita ang kakayahn ng kababaihan sa pakikipaglaban at kung paano rin sila nagpapahala ng pagka-kaibigan. Kaya para sa akin totoo nga ang mga katagang "Kung kaya ng lalaki, kaya narin ng babae". Sa pelikulang ito ang mga gawain madalas na nakikita lamang natin sa kalalakihan tulad ng pakikipaglaban ay ginagawa narin ng mga babae ipinakita dito kung ano ang mga kakayahan ng mga babae na hindi pedeng maliitin bagamat ito'y ipagmalaki.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)