Lunes, Disyembre 28, 2015

Bakasyon na be!

    
  Kain. Tulog. Kain. Tulog.
     
       Paulit ulit-ulit ko lang ginawa yan ngayong bakasyon, sadyang ninamnam ko ang bawat araw na walang takdang aralin, o ano pang gawain sa paaralan. Dahil alam ko na sa isang iglap parang pagibig niya ito ay matatapos rin.
       At kung tatanungin mo ako kung masaya ba? Abay OO naman, sinong di sasaya sa paggising ng tanghali imbes na umaga, magpuyat hanggang mag umaga at kumain kung kailan gusto. Walang istorbo, at walang aalalahanin.
       Yan ang ginawa ko nung buong bakasyon be. 

Christmas wish lists!




    Tanging hiling ko sa pasko sana ay magmahalan tayo! Kase sa panahon ngayon yun ang kulang sa ating mga pilipino. Hindi pera, damit, alahas o kahit ano pang materyal na bagay, tanging pagmamahalan lang. Dahil yun ang lulutas sa kapahamakan.

Linggo, Nobyembre 15, 2015

Kung ako sayo.. (Parabula ng Banga)


   Kung ako sayo, mas magiging matino nako! Iba na ang buhay ngayon. Masyado nang malapit ang tukso sa bawat isa sa atin. Maaaring pagkagising mo, buntis kana! Nakakatawa isipin pero totoo. 

    Sa aking palagay ayon sa Parabula ng banga, gusto nitong iparating sa ating mga kabataan na maging malakas, huwag magpadala sa puso, dahil paminsan ito rin ang dahilan kung bakit tayo masasaktan! UTAK pare, UTAK! Huwag tayong makikisalamuha sa alam nating sasaktan lang tayo sa huli, iiwan, nanakawan! 

   Pero sa aking palagay, wala naman yan sa mga kaibigan, nasa ating mga sarili parin kung paano tayo kikilos at mapro-protektahan.

Biyernes, Oktubre 2, 2015

HO! HO! HO! ber.. ber.. ber..






   Pasko na!! Pero bakit parang diko nadarama? Bilang estudyante hindi ko nararamdaman na malapit na naman ang pasko dahil sa sunod sunod na gawain tila byernes santo nga e. Pero nandun din naman yung kaunting kasiyahan dahil kapag pasko, walang pasok ng mahaba habang panahon. Panahon kung saan pwede magpahinga sa mga gawain sa eskwelahan, yung walang poproblemahing gawain kinabukasan yung gigising ka sa tanghalian. yun ang mga inaabangan ko sa kapaskuhan. 
   
   

Saysay ng Sanaysay


Sanaysay - Salita. Komposisyon na kalimitang naglalaman ng kuro-kuro ng may akda.

   Importante ang paggawa nito dahil sa pagsulat ng sanaysay naipapahayag natin ang ating sariling opinyon, kuro-kuro, at damdamin sa isang partikular na paksa. Nakatutulong din ito sa mga taong mahilig magpahayag ng damdamin sa pamamagitan ng pagsusulat. Sa paggawa ng sanaysay gumagaan ang kanilang nararamdaman at mas nagiging maayos. 
   
    Dahil sa mga simpleng sanaysay na tumatalakay sa mga isyung panlipunan, nagkakaroon din ng kaalaman ang mga kataas-taasan tungkol dito, kaya malaki ang naitutulong nito.
    Pero dapat na maging maingat din tayo sa pag sulat nito dahil hindi lahat ng tao ay pareho natin ng paraan ng pagiisip.

Girl Power!


Kung merong pelikula na magta-taas ng antas ng pananaw natin sa kababaihan yun ay ang Charlie's Angels. Dito ipinakita ang kakayahn ng kababaihan sa pakikipaglaban at kung paano rin sila nagpapahala ng pagka-kaibigan. Kaya para sa akin totoo nga ang mga katagang "Kung kaya ng lalaki, kaya narin ng babae". Sa pelikulang ito ang mga gawain madalas na nakikita lamang natin sa kalalakihan tulad ng pakikipaglaban ay ginagawa narin ng mga babae ipinakita dito kung ano ang mga kakayahan ng mga babae na hindi pedeng maliitin bagamat ito'y ipagmalaki.

Linggo, Setyembre 20, 2015

Mangagamit na Mamamayan!


Mga pumapatay ng hayop sa kagubatan na wala namang sapat na dahilan?
Mga umaabuso sa mga hayop na walang kaalam alam?

 Dapat na parusahan at ikulong ng sambayanan. Dahil kung wala ang hayop, walang tao! Kung walang manok wala tayong makakain na masarap! Subukan nating pag isipan mabuti bago gawin. Dahil kapag nagkamali ka, at naubos sila, tiyak kong magugutom at susunod ka sa nangyari sa kanila.

 Sila ay protektahan. Huwag Patayin, Sila ay alagaan.

Tara na sa Korea!

Sampung bagay na nais kong gawin sa Korea?

> Hahalik ako sa lupa .. Kasabihan ito na kapag ginawa mo, babalik o makakabalik ka ulit sa lugar na iyon (Walang masama kung gagawin ko, dahil Labi ko iyon)

> Pupunta ako sa malalaking "Mall" .. Bibili ako ng mga damit, sapatos, bag, palamuti sa katawan at kung ano-anu pa! Yung mga nakikitang suot ng mga koreano sa telebisyon yung halos taklob lahat pero maganda tingnan. (Magpapaka'Koreana muna ako pansamantala)

>Pupunta ako sa Namsan Tower .. Alam na lugar na karamihan dahil sa taglay nitong kagandagan, Kaya pupunta rin ako dito tanda ng katibayan na ako'y nakapunta sa itinuturing na langit ng ibang katulad ko na Dayuhan. (Magtatagal ako dito ng mga 3 araw kung papayagan)

>Bibili ng "Padlocks" .. Syempre maglalagay ako dun sa Namsan tsaka sa mga pupuntahan ko pa, tulad ng Hotel na tutulugan ko Bus na sasakyan at Restawran na kakainan tandarin na pumunta ako dun, Pero syempre magtitira ako para narin sa ala-ala ng pagpunta ko doon. (Sakto na siguro yung 54 na Padlocks)

>Paglalaro sa Nyebe .. Alam naman natin na ang temperatura sa pilipinas ay hindi katulad ng nasa Korea kaya sasagadin ko na, pupunta ako sa lugar na may nyebe doon ay maglalaro at mag papadulas ako yung karaniwang ginagawa sa nyebe. Magtatabi rin ako para sa pamilya ko sa Pilipinas (Okay lang na matunaw, maiintindihan nila yun)

>Pagkuha ng Litrato .. Papahuli paba ako? syempre "se'selfie" ako dun hanggang sa magsawa ako (Kung magsasawa) Pangako na lahat ng pupuntahan ko, may litrato ako!

>Pupunta ako sa isang Concerto .. Umiidolo rin naman ako sa mga KPOP, hindi nga lang 'over' Kaya pangarap ko rin yun na makapunta at makasaksi ng concerto lalo na kung si Lee min ho yun. (Kung mamarapatin hahalika ko siya sa pisngi)

>Mag-aaral sa Korea .. Gusto ko kase maisuoy yung uniporme ng mga taga Korea kase bukod sa maganda, naiiba ito sa nakasanayan. (Okay nako bilang ALS Student)

>LALAKI .. Yun ang pinaka importante sa "wish lists" ko. Pagakakataon na iyon, Aba'y magpakatotoo na tayo! Magaganda ang lahi ng mga Koreano (Basta may Datong ha)

>Gusto kong kasama ang aking pamilya .. Syempre, kung magiging masaya ako gusto ko kasama sila doon. Para naman madama nila kung gaana ako kasaya. At tsaka kung masaya sa Korea mas sasaya pa iyon pag kasa ang pamilya. (Family that praise together, Stick forever)

-Ilan lang iyan sa mga gusto kong gawin at puntahan sa Korea. Sana palarin at Sana matupad! Yun lamang! Salamat sa Pagbabasa :)

Obstacle Men! Obstacle!






I love you since day one
And now, I don't know how to please everyone
to be with you all the time
because I know it will only lead to goodbye

Maybe its wrong to believe
that you and I will be succeed 
In proving that forever do exist
Because now, I'm starting to resist

Is it you that I've been waiting for?
Or somebody again that will hurt me more
So confused, so mystify
I hope that it's just like Math Problem that needs to simplify

I'm so scared to be not with you
but I don't care because I Love You.



Miyerkules, Agosto 26, 2015

Ito Kase ....


http://kulotpalaako.blogspot.com/ Ito ang napili kong isa sa mga paksa ng kanyang blog dahil sinasaad dito ang pagkaka kilanlan  niya sa kanyang mga kaibigan at nais maging kaibigan. Sa pag babasa ko nito agad ko rin nahinuha kung anong klase siyang tao at kaibigan. Nasiyahan din ako dahil nag pakatotoo siya sa kanyang sarili.

Karanasan Sa NCAE




  Naging makabuluhan ang aking araw ngayon dahil sa ginawang pagsusulit na tinatawag ngang NCAE. Bagamat hindi ko nakasama ang iba kong malalapit na kaibigan sa loob ng aming silid hindi ito naging hadlang upang ako ay maging masaya. Naging maayos ang pagsasagot ko sa nasabing pagsusulit at mabait din ang guro na nag bantay sa amin. Sa tuwing oras ng pagkain ay lumalabas kami at nag titipon-tipon upang ikwento ang mga naunang karanasan. Tatlong beses kaming lumabas o nagpahinga kaya hindi masyadong dumugo ang aming utak sa pagpili ng kurso na aming gusto. Maaga rin kaming natapos dahil sa tahimik at matiwasay nga ang pagsusulit. Hiling ko na makapasa sa napupusuan kong kurso sa kolehiyo. Sana ay makabuluhan din ang magiging resulta nito.

Biyernes, Agosto 21, 2015

Huwag Basahin.

Sa paglayo ko sayo, lalo lang akong nasasaktan. Hindi ko alam kung manhid ka o ayaw mo lang talaga. Alam mo ba na tuwing paggising ko ikaw agad ang pumapasok sa akin isip, tanong ko kung gising kana o kumain kana o nasaan ka o kung ano yung ginagawa mo o kung ano pa. Sa pag pasok ko naman lagi akong tumitingala upang tingnan yung silid mo baka sakaling nandun ka at hinihintay ako. Pero tanging yung litrato mo lang sa "fish pond" yung ngumingiti sakin, iniisip ko na sana balang araw maging ganyan din ang mga ngiti mo para sa akin. Sana ikaw na yung "first move" hindi laging ako kasi I wonder kung hindi ako kikilos may mangyayari pa kaya sa atin? Hmm, hindi naman ako nag hahangad na magustuhan mo rin ako ang akin lang eh sana ma'appreciate mo yung mga efforts na ginagawa ko para sayo. yung halos araw-araw nalilibot ko yung school makita ka lang, yung kada break time nag papahuli ako na halos malate na masulyapan ka lang na kumakain kase worried ako na baka gutom ka, yung mga time na dapat nagaaral ako nilalaan ko pa para isipin ka.. Hindi ako nagsisisi na nagka gusto ako sa taong tulad mo, achievement nga iyon eh, nagkagusto ako sa BATO. Pero ngayon tama na muna! Hindi nakaka buti para sa akin yung mga ginagawa ko para sayo. diba nga, kung gustong mahalin ka ng iba, mahalin mo muna yung sarili mo. Gusto ko magpa'salamat sa pagbibigay inspirasyon mo sa akin lalo na nung pagsusulit, sa mga araw na pinapakilig mo ko kahit hindi mo yun alam at siyempre salamat dahil marami na naman akong natutunan nang dahil sayo. PS. Ang bait mo sana kunin ka na ni lord :D

Martes, Agosto 18, 2015

Mga Inaasahan


  Nais kong yumabong pa aking kaalaman sa lahat ng bagay. Nais kong mas magkaroon pa ng lakas ng loob. Sa susunod na markahan sana ay magtuloy tuloy ang mga nasimulan lalo na sa larangan ng pag uulat at pagdudula-dulaan. Sana ay mas marami pang uri o klase ng aktibidad na maglilinang sa kakayahan namin sa ibat ibang mga gawain. Nawa'y humaba rin ang pasensya ng mga guro para sa amin. At syempre ang nais ng lahat... Maging Masaya at isa sa mga hindi malilimutan ang susunod na markahan. :)

Sa Unang Markahan




  Sa natapos na Unang Markahan mas naging malakas ang aking loob sa mga gawaing pam-paaralan tulad nalang ng paguulat at pagdudula-dulaan. Marami akong natutunan at bagong nalaman partikular na sa mga bansang tinalakay namin. Naging maayos din ang resulta ng pagsusulit na ginawa namin at natutuwa akong ipahayag na marami sa amin ay inaabangan na ang mga susunod na mangyayari sa susunod na markahan.

Lunes, Agosto 10, 2015

Paboritong Kwento



  Twilight ang pinaka paborito kong kwento mag mula pa noon hanggang ngayon. Dahil bukod sa kakaiba nitong istorya ay marami ka ring makukuhang aral, tulad ng hindi pagsuko sa mga problema at isipin na may nagmamahal sayo huwag magpadala sa galit at isipin na magiging maayos din ang lahat. Bukod sa kwento nito ay ini-idulo ko rin ang mga bidang gumanap dito na sina Robert Pattinson at Kristen Stewart bilang Edward Cullen at Bella Swan. Dahil sa galing nilang umarte ay para talagang makatotohanan ang lahat. Naging kapana-panabik din ang mga kwento nito dahil iba iba ang mga nangyayari o "twist" sa kwento. Bukod sa marami kang matu-tutunan ay kikiliin ka pa dahil sa pagiibigan ng mga bida at pati ikaw ay madadala tulad ko. Pwede mo rin itong maging inspirasyon sa pag-ibig na kahit ano ka man o sino ka man pagdating sa pag-ibig ay walang pinipili.

Lunes, Agosto 3, 2015

Repleksyon sa Juan Tamad



  
  Bilang isang kabataan, marami akong natutunan sa Alamat ni Juan Tamad isa na doon siyempre na ang pagiging tamad ay walang patutunguhan. Dahil na rin sa tayo lang ang pag asa ng bayan, kung magiging tamad pa tayo at maghihintay lamang sa bigay o biyaya ng iba talagang walang mangyayari sa atin at sa lipunang ginagalawan natin. At ito ay hindi lang para sa atin kung hindi para rin sa ating mga magiging anak o apo. Paano nalang kung ang kalakihan nilang mga tao ay tamad, natural magiging tamad din sila, dahil sabi nga "Lahat ng ginagawang Mali ng Matatanda ay Tama para sa mga Bata"
   
    Kaya ngayon pa lamang ay mag isip-isip na tayo sa ating mga ginagawa. Huwag ng maging pabigat bagkos ay tumullong at mag pursige sa mga pangarap.

Ang Aking Paboritong Kanta




 Marami akong naiibigan na kanta pero ang pinaka paborito ko ay ang You Belong With Me ni Taylor Swift dahil bukod na isa ako sa mga sumusuporta kay Taylor ay minsan ko naring naramdaman ang mga linya sa kanta, yun bang "#RelateMuch" at hindi ko alam kung bakit parang ngayon ay nangyayari ulit sa akin iyon, kaya sa tuwing pinapa kinggan ko ang kanta ni Taylor ay talagang nagiging masaya ang aking pakiramdam. At bukod pa dun ay dahil sa bidyo ng kanta ay may masayang pagwawakas na nangyari na pinapangarap din ng bawat isa sa atin kaya yun din ang nagiging inspirasyon ko sa minamahal ko ngayon o hinahangaan, na sana kami yung mga bida sa bidyo ng kanta. Pero hanggang ngayon tila pangarap nalang iyon, pero kagaya ng aking idolo hindi ako susuko sa mga problema na kakaharapin ko sa pagkakagusto ko sa kanya. 


                              "You Belong With Me"

You're on the phone with your girlfriend
She's upset, she's going off about something that you said
'Cause she doesn't get your humor like I do.

I'm in the room, it's a typical Tuesday night.
I'm listening to the kind of music she doesn't like.
And she'll never know your story like I do.

But she wears short skirts
I wear t-shirts
She's cheer captain
And I'm on the bleachers
Dreaming about the day when you wake up and find
That what you're looking for has been here the whole time.

If you could see
That I'm the one
Who understands you.
Been here all along.
So, why can't you see
You belong with me,
You belong with me.

Walk in the streets with you in your worn out jeans
I can't help thinking this is how it ought to be.
Laughing on a park bench thinking to myself,
"Hey, isn't this easy?"

And you've got a smile
That could light up this whole town.
I haven't seen it in a while
Since she brought you down.

You say you're fine I know you better than that.
Hey, what you doing with a girl like that?

She wears high heels,
I wear sneakers.
She's cheer captain,
And I'm on the bleachers.
Dreaming about the day when you wake up and find
That what you're looking for has been here the whole time.

If you could see
That I'm the one
Who understands you,
Been here all along.
So, why can't you see
You belong with me.

Standing by and waiting at your backdoor.
All this time how could you not know, baby?
You belong with me,
You belong with me.

[Instrumental]

Oh, I remember you driving to my house
In the middle of the night.
I'm the one who makes you laugh
When you know you're 'bout to cry.
I know your favorite songs,
And you tell me about your dreams.
Think I know where you belong,
Think I know it's with me.

Can't you see
That I'm the one
Who understands you?
Been here all along.
So, why can't you see
You belong with me.

Standing by and waiting at your backdoor.
All this time how could you not know, baby?
You belong with me,
You belong with me.

You belong with me.

Have you ever thought just maybe
You belong with me?
You belong with me.

Sabado at Linggo (Hunyo 28 at 29)

 
 

   Araw ng Sabado, gumising ako ng maaga upang pumunta sa bahay ng aking kakalase, kaya ako ay naligo kaagad at nagbihis sabay kumain. Pagkarating ko doon ay maaga naman kaming natapos kaya nakauwi ako agad upang gawin ang aking mga takdang aralin. pagkatapos ay kumain ako sabay natulog dahil narin sa pagod.

    Pag gising ko ay Linggo na, walang pasok si tatay kaya siya ang nagluto ng umagahan namin, pagkatapos ko kumain ay ipinagpatuloy ko ang aking naiwang takdang aralin. Pagkataos ay naligo na ako dahil aalis daw kaming buong pamilya. Gabi na ng makauwi kami. Maya maya lamang ay may nangyari na nakaka badtrip talaga, ngutin hindi ko na ito sasabihin dahil ito ay sikreto. Natulog nalang ako upang hindi na ako mainis pa at para narin maging handa ako bukas sa pasukan.

Lunes, Hulyo 6, 2015

Sila at Ako

                                                                                                                                                                                             
Magdagdag ng caption
Sila ang aking mga Kaibigan.. Kulang sila sa litrato na yan, kung tatanungin moko kung bakit?
Diko rin alam. Unang Blog ko ito kaya gusto ko munang makilala niyo kung sino ako at sino ang mga kaibigan ko! Kilala niyo na sila kaya, ako naman....

      Ako si Maria Angelika Iwag. 14 na taong gulang! Hilig kong manuod ng mga pelikulang tulad ng Avengers, Spider Man minsan Pag-iibigan at Patayan :))
Ayoko ng mga Pabebe kahit alam kong pabebe rin ako. Marami rin akong hinahangaan. Madali akong lumapit sa tukso, Tama! Ako yung lumalapit sa tukso kaya madalas din akong masaktan :( 
   
      Pero okay lang masya naman kase meron akong kaibigan na tulad nila na maasahan at laging nandyan :D
  
  P.S Kung gusto niyo pa ko makilala sundan niyo ko para masaya :D